Wednesday, August 1, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik


            Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa atin. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng mgandang unawaan, ugnayan at mabuting samahan. Kung wala ang wika,paano tayo magkakaintindihan, paano natin mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran? Kailangan natin ng Wika.
            Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang ng Pilipinas sa buong buwan ng Agusto. Ang tema ng Buwan ng Wika sa Agusto 2018 ay “Filipino: Wika ng Saliksik” Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang isang representasyon sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Ang layunin ng tema ay mahikayat ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko. Upang mas mapabilis na mahikayat ang mga iba’t ibang bata sa iba’t ibang lugar ay kailangang ibahagi natin ang ating alam tungkol sa ating wika. Sa pamamagitan ng temang ito, nagaganyak ang mga mamayanang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga iba’t ibang patimpalak sa paaralan, ito rin ay isa sa mga paraan sa paggalang sa ating sariling wika. Mahalaga rin ito sapagkat ito ang ating kinagisnang wika at wikang dapat nating ingatan at pahalagahan.
            Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Kaya atin tong pahalagahan. “Ang hindi marunong magmahal sa kanyang wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.” Ika nga ni Jose Rizal.

6 comments:

  1. napakagaling! ipagpatuloy mo lang

    ReplyDelete
  2. napakahusay at nakakaengganyo ang iyong ginawang artikulo

    ReplyDelete
  3. Napakaganda ng iyong pamamaraan ng pagpapahayag ng ideya. Ipagpatuloy mo ang magandang simula, Crystel!

    ReplyDelete